Hoy mama! Gumising ka! Tingnan mong katabi mo. Kanina pa ako sumakay sa bus na ito pero di ka man lang sumulyap. Nakapikit ka at patangu-tango sa bawat pagtigil ng dambuhalang makina. Lumilinga na nga, ngunit malalim yata ang iyong pagod na naghari sa iyong likod kaya sa buong byahe, ikaw ay naiduyan sa bisig ng walang kamalayan. Sa kalagitnaan ng trapik ikaw ay nakapikit. Di mo alam ang pag-ikot ng orasan pati akong nakikisiksik na lang sa upuan. Mama, sa susunod, umusog ka kahit konti pareho tayong may bayad at sukli! Sumulyap ka rin, mama, at baka ako ang babae sa iyong pangarap.
| |
|